Excerpts from the informal intervew with CRI.
Maraming salamat Machelle at POP Beijing!
(Read More Below ...)
Nitong Sabado, pinasyalan namin ang Summer Palace. Kasama sa UNESCO World Heitage Site ang Summer Palace. Ito ang isa sa mga sikat na tourist destinations dito sa Beijing. Sa pagpasok ng tag-init, parami ng parami ang mga turista na namamasyal dito. At ito rin ang napiling lugar ng Pinoy Overseas Photographers Beijing o POP Beijing para sa kanilang photowalk.
Nakipag kwentuhan sa amin si Carlo Guina, ang Presidente ng POP Beijing para ipaliwanag ang mga adhikain ng aktibidad na ito. 2008 nabuo ang POP Beijing. Ito'y isang grupo ng mga Filipino Expats na likas na malikhain, pinagbuklod dahil lahat matalas ang mata at may talento para pumitik ng mga larawan na napapa wow ang sinomang titingin. Matibay ang kanilang samahan. At ayon kay Carlo, espesyal at talagang malapit sa kanilang puso ang Great Wall of China.
Mula ng naitatag, ilang sa mga miyembro ang nagkaroon na ng pangalan sa larangan ng potograpiya. Meron na sa kanilang grupo ang award winning at published hindi lamang dito sa Tsina kundi maging sa ibang bansa.
Ano ang masasabi ni Carlo tungkol sa tagumpay ng ka-grupo nya? Kinapanayam ni Machelle si Carlo Guina, Presidente ng POP Beijing Sa kanyang termino maraming mga proyekto ang nakahanda. Ang ilan dito nakatuon sa pagpapalawig ng kaalaman sa potograpiya ng mga miyembro. Meron din nilulutong aktibidad para makatulong sa isang ampunang para sa mga bulag na bata dito sa Beijing.
http://filipino.cri.cn/241/2012/05/24/2s110608.htm
http://www.popbeijing.org/2012/05/12/event-pop-beijing-summer-palace-photowalk/